Vice Ganda at Ion Perez, kuha ang ka-sweetan sa isang viral video

Mula sa IG Story ni Vice via KAMI



Hindi na talaga mapigilan ang ka-sweetan nina Vice Ganda at ng boyfriend niyang si Ion Perez na kinatuwa naman ng marami para sa Unkabogable Star.

Trending ngayon ang isang video clip na binahagi ni Vice sa kanyang Instagram story kung saan ay mawi-witness na sobrang sweet ni Ion sa kanya.



Ang nasabing post ni Vice ay may caption na "Nakakabwisit na pagpapagirl!" ay umani din ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

May mga di man sang-ayon, mas marami pa rin ang nagpakita ng suporta para sa dalawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Talagang diyan pinapakita ni Ion na mahal na mahal niya si Vice. Happy ako sa'yo Vice dahil natagpuan mo na yung lalaking nagpadama sa'yo ng tunay na pagmamahal at sabi nga ni Ion ikaw yung partner niya kay inspired siya magtrabaho. God bless at sana huwag magbago ang pagmamahal mo kay Vice at higitan mo pa lalo. “



"Wow naman ang sweet naman ng love birds na to. Godbless sa inyong dalawa love birds."

"Okay na sa noo kasi para respeto sa kanila at sa mga manonood. Sila na lang dalawa pag sa lips hehehe."

Nitong buwan lang din ay nag viral ang Japan moments ng dalawa na binahagi din ng ‘It’s Showtime’ host sa kanyang mga fans.


Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments