Mahigit 4,000 na bagong riles ng MRT3, dumating na sa bansa - DOTr



Larawan mula sa DOTr MRT-3 Facebook page


Nakarating na sa bansa ang delivery ng mahigit 4,000 piraso ng mga bagong riles para sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Martes, Hulyo 9.

Dumating sa Port of Manila ang mga nasabing bagong riles na nagmula pa umano sa Japan na may habang 18-metro kada isa.



Ang pagdating ng nasa 4,053 piraso ng riles mas maaga kumpara sa nakatakdang delivery date nito, ayon pa sa Department of Transportation (DOTr).

Mula sa Harbour Centre Port Terminal, ang mga bagong riles ay dadalhin sa Tracks Laydown Yard malapit sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon sa ulat, mag sisimula sa November ang pagkakabit ng mga ito dahil ang iba pang parte ay darating sa October naman.

Ang pagkakabit umano ay gagawin ng DOTr during non-operating hour para hindi maapektuhan ang byahe ng train.


Dahil sa mga bagong riles na ito, mababawasan na ang pag alog ng mga tren na siyang nagiging dahilan din daw ng pinsala sa electrical at mechanical components nito.


Source: Remate

Post a Comment

0 Comments