POEA: Japan will be hiring over 60,000 Pinoy caregivers in the coming months



Compiled photo from Google (ctto) 


Manila, Philippines – Magandang balita para sa mga nagnanais magtrabaho sa Japan. Nagpalabas ng bagong anunsyo ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA), hinggil sa mangangailangan ng 60,000 na Caregivers ang Japan sa sumusunod na limang taon.

Kilala ang bansang Japan na may mataas na bilang ng mga matatanda, kayat sila’y nagkakaroon ng kakulangan sa mga manggagawa sa mga dadating pang taon.



"Malaki at mataas iyong kanilang aging population so ine-expect nila in the coming years, magkakaroon ng malaking labor shortage," ang sabi ni POEA administrator Bernard Olalia

Ayon pa sa POEA hindi naman kina-kailangan ng experience sa mga nasabing trabaho, Ngunit, inaasahan na ang mga aplikante ay mayroon ng mga sumusunod na qualifications:.

Nursing graduate (with or without experience)

-Caregiver training
-National Certificate 2 (NC-2) TESDA
 -N4 Level in Japanese Language Proficiency Test

Naibalita kamakailan lang ng ABS-CBN News, ang mga Pinoy OFWs ay maaring magpunta sa POEA office o sa mga lisensyadong o lehitimong recruitment agencies. Magbubukas ang Visa 1 at Visa 2 para sa mga Job orders in Specialized Skill Worker sa mga darating na buwan.

Walang kinakailangan placement at employment fee para sa mga nasabing trabaho sa japan. Kaya’t mag-ingat ang mga kababayan natin sa mga manlolokong recruitment agencies, paalala ni POEA Administrator Olalia.



Hinihikayat din mag-apply ang mga first timers, ngunit mas mainam kung ang aplikante ay isang nursing graduates at may TESDA certificates

Ang Pinoy caregivers sa Japan ay inaasahang kumita ng halagang ¥200,000 o umaabot sa P95,776.00.



Source: KAMI



Post a Comment

0 Comments