Pinay OFW sa Hong Kong naloko ng mahigt isang Milyon ng kakilalang nagpanggap na lalaki





Manila, Philippines – Dumulog sa himpilan ng ‘Raffy Tulfo in Action’ ang isang OFW sa Hong Kong na na-scam ng halos isang milyong piso ng kanyang kakilala pa mismo.



Ang nasabing Pinay OFW ay kinilalang si Cheryl Bartina, 33 anyos, nagtatrabaho bilang babysitter  sa Hong Kong.



Ayon kay Cheryl, naloko sya ng kanyang kakilala na nagpanggap na isang lalaki at naging karelasyon niya ito kahit hindi sila nagkikita ng personal.

Inirereklamo ni Bartina ang kakilala niya na si Renerose Ogayre, 30 anyos, dahil sa pangloloko nito sa kanya. Gumawa ito ng poser account at nagpanggap bilang isang lalaki at nagkaroon sila ng long distance relationship na syang naging dahilan upang mahuthutan sya nito ng pera.

Nadamay pa ang isang lalaki na nagmamay-ari ng larawan na ginamit umano ni Renerose sa panloloko nito kay Cheryl. Ang lalaking ito ay si Vincent Montenegro, taga Marinduque, may asawa’t mga anak.

Ayon sa kuwento ni Cheryl, nakilala niya si Renerose ng siya ay nagpapamedical pa lamang at nag-aayos pa ng papeles papuntang Hong Kong.



Naging magkaibigan ang dalawa hanggang sa nagsabi si Renerose na ipapakilala daw nya ang kanyang pinsan sa dalaga hanggang sila nga ay naging mag-textmate.

Ikinagulat na lamang ni Cheryl ng nasa Hong Kong na sya ay nagparamdam sa kanya si Vincent sa kanyang social media account at ito nga ay nagpakilalang ‘pinsan’ daw ni Renerose.

Ngunit lingid sa kaalaman ni Cheryl na ang kanynag ka-textmate na si Vincent ay sya rin palang si Renerose.

Umabot ng 3 years and 5 months ang kanilang pagiging mag textmate at di nagtagal ay humantong na nga ito sa panloloko sa kanya at nakapagpadala na siya ng halos isang milyong pera at mga gamit.

Bumili pa raw si Cheryl ng wedding ring para sa kanilang nalalapit na kasal. Bukod pa rito ay nagpadala rin ang dalaga ng mga maseselang na larawan nito na syang ginamit sa pangba-blackmail sa kanya ni Renerose upang makahuthot ng pera.

Sa tuwing mag-uusap sila sa cellphone ay gumagamit daw umano si Renerose ng isang app para maging boses lalaki ito, kaya napaniwala talaga niya si Cheryl na lalaki siya.

Noong isang beses ay nag-yaya si Cheryl mag video call at aksidenteng napindot ni Renerose ang "accept" kaya laking gulat ni Cheryl nang makita niya na si Renerose pala ang kanyang ka-chat.

Umani ng iba’t ibang reaksyon at batikos mula sa Netizens ang pangyayaring it okay Cheryl. Narito ang ilan sa mga reaksyon:

"Hays bat kc naniniwla agad dapat pag may money involved na magduda kna specially hindi mu man lng nka Video call if Totoong sya yun"


"At kasalan mo din grl..bkt d ba kayo nagvedeocall.xempre tatawagan mo xa at magkausap kayo..if d xa humarap sa vedeo it means panloloko talaga ginawa nya.."

"Bawal magsalita ng tapos. Mahirap magsalita about sa katangahan niya. Kasi pwede yan mangyari sainyo. Pag nasa position niya kayo, I'm sure mahuhulog din kayo. Magaling mag research yung scammer, tbh."

"3 years and 5 mons ate? Di mo man lang naka videocall? Eh muntanga ka din ate. May kasalanan ka din"



Source: KAMI 

Post a Comment

0 Comments