'Pinakamalupit na gold-digger' Pinay hinuthutan ng bahay, alahas, 22 sasakyan ang isang tomboy na Hapon



Screen-capped images of Anna Cañete Tamayo at Hiroko Koike


Isang tomboy na Hapon na nag-ngangalang Hiroko Koike ang dumulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action para humingi ng tulong na mabawi ang mga naibigay niya sa naging karelasyon na Pinay na si Aina Cañete Tamayo.

Napag alaman ng RottenPotatoe na isang entertainer si Cañete at kasamang umuwi ng Pilipinas ang Hapon.



Nagbigay umano si Hiroko ng P350,000 para sa bahay ng karelasyong Pinay, maliban dito ay may padala din siyang P50,000 kada buwan.

Di lang din pera ang kanyang mga naibigay, pati mga alahas at di umano’y 22 sasakyan na may BMW pa.

Noong nabuntis si Cañete, sinabi pa nito kay Hiroko na injectables daw iyon galing US.

Pakiusap ni Hiroko, kahit 50 percent muna daw ang maisoli ni Cañete, ngunit ayon dito ay wala na daw siyang maibabalik pa kahit ang mga alahas.

Ang mga alahas na 18-carat ay naisanla na din ng Pinay.


Depensa pa nito, niloko din daw sya ng Hapon kaya siya ay gumanti at nang lalake rin.




Post a Comment

0 Comments