Mga sangkot sa pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta, iniimbestigahan na



Vendors selling Chinese flags in Luneta Photo from google (ctto)



Nagviral kamakailan sa social media ang isyu patungkol sa pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta kasabay ng Filipino-Chinese Friendship Day na ipinagdiwang noong Linggo.

Sa CCTV footage na inilabas ng National Parks Development Committee (NPDC), makikita ang paglapit ng isang lalaki sa kumpol ng mga vendor sa Luneta. Maya-maya pa'y sunod-sunod nang lumapit ang dalawa pang lalaki at kumuha na ng mga larawan.



Inaresto naman ng NPDC ang mga nasabing vendors at dinala sa himpilan ng Pulisya.

Nakapanayam ng News 5 ang isa sa mga vendor na nahuli at ayon sa kanya, sinabi raw sa kanila na project ito sa eskwelahan ng anak ng isa sa mga lalaking lumapit. Binayaran din daw sila ng P200 para rito.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) at National Parks Development Committee (NPDC), posibleng may galit sa administrasyon ang may pakana ng pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta noong Linggo

Isang babaeng person of interest na ang kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ngayon na posibleng utak ng insidente.



Pinag-aaralan na rin ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nasangkot sa nasabing pagbebenta ng Chinese flag.

Pinagsabihan naman ni NPDC Director Penelope Belmonte and mga vendors, Binastos 'nyo po ang pambansang liwasan, at ang watawat ng Pilipinas,"

"Sa susunod sana, mag-isip tayo. Kahit mahirap tayo, hindi ₱100 ang presyo natin,"

"Gumamit pa po kayo ng mga kababayan natin na mahihirap para maisakatuparan ang mga masasama ninyong gawain,"


Maaring maharap sa kasong paglabag Republic Act 8491, ayon pa sa PNP. Nasasaad sa naturang batas, (RA 8491, Sec. 34) ipinagbabawal ang pagdisplay sa mga pampublikong lugar ng kahit anong watawat ng ibang bansa maliban sa mga embahada nito, diplomatic establishments at mga opisina ng mga international organizations.



Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments