Lalaking nagka cancer dahil sa sobrang pagka-adik sa Mobile Legends, Pumanaw na!



Michael Tumagan photo from google (ctto)



Manila, Philippines – Matatandaang nagviral kamakailan ang kwento ng isang lalaking sobrang nahumaling sa sikat na sikat na mobile games na Mobile Legends: Bang bang na syang dahilan nito upang magkaroon ng sakit na cancer.

Sa sobrang pagka-addict sa larong ito, ay nagkasakit ng stage 4 colon cancer ang lalaking si Michael Tumagan.  



Kwento pa ni Michael, nasobrahan sya sa pagka-addict sa larong ito, na umabot pa sa napabayaan nya na ang kanyang sarili.

Inamin ni Michael na hindi siya halos natutulog at kumakain dahil sa labis na paglalaro ng nasabing online game.

"Stage 4 Colon cancer, malalang sakit. Hindi ko po akalain na mangyayare sakin ito, kung mababalik lang ang panahon para mapigilan ang pagkakasakit ko nito, nawalan ako ng disiplina sa katawan, na adik ako sa Mobile Legends: Bang Bang, to the point na hindi na ako kumakain at natutulog, tutulog ng umaga mga 9 to 10am magdamag po un tapos gigising ako gabi na mga 6 to 8pm dun palang ako kakain, tapos laro na ulit, tapos mahina pa ako sa tubig, hanggang sa nakaramdam na Ako ng di maganda sa katawan ko, ganon naging cycle ng buhay ko. ngaun ito ang nangyare sakin.“

“Kaya sa lahat po ng bagay dapat tlaga hindi nasosobrahan, dahil di nyo na mababalik ang pangyayare! Wala napo pag asa na maalis pa ang tumor ko sa r├Ęctum kasi lumala napo, hindi na pwedeng galawin ang tumor kasi affected napo ung pantog at gal blader ko. Pag ginalaw pa mamamatay po ako dretso sa operating room. Nagpapasalamat ako sa mga doctors ko kasi ginawa po nila lahat ng kanilang makakaya. kasing laki napo ng kamao ung tumor ko.. tanging paraan nlng po ay magpa radiation po ako para umimpis ang bukol ko. Medyo malaki laki lang po ang kailangan ko na halaga.”



Na-feature din ang kanyang kuwento sa TV show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

"Kung mababalik lang ang panahon para mapigilan ang pagkakasakit ko nito, nawalan ako ng disiplina sa katawan, naadik ako sa Mobile Legends: Bang Bang, to the point na hindi na ako kumakain at natutulog.”

"Ngayon, ito ang nangyari sa ‘kin. Kaya sa lahat po ng bagay dapat talaga hindi nasosobrahan," paliwanag ni Michael sa kanyang Facebook post.

Ayon sa KAMI, nitong unang linggo ng June ay bumuhos ang pakikiramay ng maraming netizens, kaibigan, mahal sa buhay, dahil pumanaw na si Michael.



Marami ang halos hindi makapaniwala dahil kakapalabas palang ng kanyang kuwento sa telebisyon. Napakabilis ng mga pangyayari.

Nanghinayang din ang maraming netizens dahil napakabata pa niya.

Narito ang mga ilan sa naging komento ng netizens sa pagpanaw ni Michael.

"Rest in peace.. hanggang sa huli lumaban ka. Pero Hindi kana mag hihirap pa kasama mo na si Lord." 


"Paalam friend no more pain kasama mo na si Lord"

"RIP alam nmin nsa piling ka na ni God At di kna maghihirap.. Always remember lagi ka andito sa puso nmin.."

"Napabayan nya pagkain ng tama dahil sa ml"

"Bkit po kung alin p ung mabbait na tao un pa kinukuha,,, bkit po hindi nlng lht ng mssama ang kunin nla"



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments