Composite photo from Google (ctto) |
Manila, Philippines - Nagpalabas
muli ng anunsyo ang Food and Drug Administration o FDA hinggil sa mga brand ng
mga de latang pansamanatalang ipinagbabawal ibenta sa publiko.
Ang mga brand ng delatang nabanggit
ay nagmula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever o ASF.
Ayon sa FDA ang swine fever ay
isang “highly contagious” hemorrhagic disease na mula sa mga baboy,warthogs,
European wild boar at American wild pigs.
Inabisuhan na ang mga dealers at
importers ng mga brand na ito na dapat na nilang bawiin sa pamilihang merkado
ang mga nasabing canned goods.
Ayon balita ni Alvin Elchico ng
ABS-CBN, ito ang listahan ng mga brands na ipinagbabawal ayon sa FDA:
-Ma Ling
-Narcissus
-Heaven
Temple
-Sol Primo
-Wang Taste of Korea
-Shabu
Shabu
-Weilin
-Sky
Dragon
-Highway
Umalma
naman ang Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) at kanilang
pinangangambahan
ang ukol sa paglabas ng FDA ng listahan, na maaaring makaaapekto sa kanilang
mga produkto.
"Kung talagang totoo sila na they will be good, for the
good of the welfare of the consumers, sabihin nila, itong brand na ito, huwag
kayong bumili. That would be safer for all of us," ayon sa Presidente ng PAMPI na si Boy Tiukinhoy.
Sa naunang report ang KAM, kasama ang Ma Ling sa mga ipinagbabawal ang brand, na syang paborito ng mga Pilipino.
Source: KAMI
0 Comments