FDA, naglabas na ng listahan ng mga brand ng suka na may synthetic acetic acid



Photo file from Abane



Kamakailan ay naglabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng listahan ng mga suka  nagtataglay ng synthetic acetic acid.

Ayon sa FDA, wala naman umano itong masamang epekto sa kalusugan ngunit nangangahulagang “substandard” ang produktong ito. Sabi ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, na siya ring officer-in-charge ng FDA.



Ganunpaman, nilinaw ng FDA na ligtas ang mga ito at hindi lamang nakapasa sa pamantayan ng gobyerno at sinabing magsasagawa sila ng inspeksyon sa mga pagawaan ng mga sukang nabanggit

Sa pamamagitan ng isang abiso, naglabas na ang Food and Drug Administration (FDA) ng listahan ng mga brand ng suka na mayroong synthetic acetic acid.

"The FDA would like to reiterate that the presence of synthetic acetic acid is not a safety issue and does not pose any health risk to consumers as this only means that the vinegar is of substandard quality.

"The presence of synthetic acetic acid merely represents that the vinegar did not undergo fermentation, either through a slow process, quick process, or submerged culture process which is used for commercial vinegar production," Pahayag ni Health Undersecretary Domingo hinggil sa kanilang ipinalabas na abiso.

Mula sa 39 sample ng suka na isinailalim sa pagsusuri, 5 brand ang may synthetic acetic acid o hindi dumaan sa fermentation.



Kasama sa mga brand ng suka na tinukoy ng FDA ay ang mga sumusunod:

- Surebuy Cane Vinegar (Best Before Date: March 26, 2021)
- Tentay Pinoy Style Vinegar (Best Before Date: March 18, 2021)
 - Tentay Premium Vinegar (Batch/Lot NO. TV SEP0718AC)
- Tentay VInegar 'Sukang Tunay Asim' (Expiry Date: June 6, 2020)
- Chef's Flavor Vinegar (Expiry Date: April 1, 2021)

Matatandaan na nagsagawa ang FDA at Department of Science and Technology-Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI) ng mga pagsusuri kung saan lumabas na walo sa sampung brand ng suka  ay gawa synthetic acetic acid at hindi gawa sa mga natural na sangkap o “fake”.

Dagdag  pa ng FDA, mag-iinspeksyon sila sa mga pagawaan ng mga nasabing kompanya upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa kanilang mga pamantayan.


Pinayuhan din ni Domingo ang mga manufacturer na boluntaryong bawiin ang kanilang mga produkto sa merkado. 



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments