Drayber at kalaguyo nahuli ni misis sa mismong jeep na pinapasada nito, mga naabalang pasahero muntik pang madamay



screen-capped image from actual video


Viral ngayon sa social media ang video ng mag-asawang nag-aaway habang nasa loob ng jeepney.

Nahulli kasi ni misis si mister na isang tsuper ng jeepney na kasama  ang sinabing kalaguyo sa mismong jeep na pinapasada ni mister.



Bugbog sarado ang inabot ni mister kay misis, at hindi na nagawang lumaban pa. habang pinagmumura naman ang kabit nito. Mabuti na lamang at mahigpit ang pagkakahawak ni mister kay misis. Dahil kung hindi, ay tiyak na sapok at tadyak ang aabutin ng haliparot na kalaguyo!

Si ateng kalaguyo naman ay dali-daling bumaba ng jeep upang tumakas ngunit muli itong bumalik sa jeep ni kuyang tsuper upang kunin ang binibigay na pera ni kuyang tsuper! Mistulang eksena sa pelikula ang pangyayari.

Ang mga pasahero naman ay nagmistulang manonood ng isang maaksyong pelikula ang mga eksena. Sampalang umaatikabo, sigawan at murahan ang kaganapan sa loob ng jeep.

Dahil sa kaguluhan, naantala na ang kanilang mga pasahero at nais na lamang bawiin ang kanilang mga pamasahe upang makarating na sa kanilang mga parorooanan.  Munitk pang madamay sa galit ni misis dahil sa kanilang pangungulit na mabawi na ang kanilang mga pamasahe.



Labis-labis ang ngitngit ng misis sa kanyang mister, dahil sila raw ay may isang dosenang anak at nagawa pa nitong mang-babae!

Nagkaroon ng iba’t ibang reaksyon naman ang mga netizens ng mapanood ang video. Ang iba ay nanggigigil sa tsuper at ang kanyang kabit.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“Luh? Grabe din si ateng nakablack, kinuha pa talaga ung pera.”


“Dapat sana gin.unahan mo an kabit teh pagkuha han kwarta ngadto han kamot han driver tapos distribute... Or ginkutol mo an singit man la kay naka.abala ha iyo... “

“Sana magkaso ung nanay against sa asawa at kabit para makulong”

“Ikaw tlaga kumuha niyan”



Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments