DepEd Sec. Briones, mas naging "dramatic at touching" ang pagpost ng mga guro sa CR na ginawang faculty room upang maging agaw pansin media




DepEd Sec. Briones Composite photo from Google (ctto)


Manila, Philippines - Kamakailan lamang ay nag-viral ang post ng isang Guro tungkol sa ginawa umanong Faculty room ang isang palikuran ng kanilang paaralan.

Dahil dito, ay nagbanta ang punong guro ng paaralan na sasampahan niya ng kaso ang gurong nagpost ng picture sa social media.



Nagpahayag naman si DepEd Secretary Leonor M. Briones ng kanyang opinyon hinggil sa viral na post ng gurong na si Maricel Herrera, ng paaralang Bacoor National high school.

Sinabi ni Secretary Briones na ginawa lamang daw ito ng mga guro upang mas maging "dramatic at touching" ang kanilang post at mas madaling mapansin ng mga reporter

Pinapakita sa larawan ang kanilang kalagayan na kung saan ay ginawa nilang faculty room ang ilang Comfort Rooms sa kanilang paaralan, dahil sa ipapagawa raw ang kanilang faculty room at dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng mga estudyante ngayong taon sa nasabing eskwelahan.

Napilitan ding maglagay ng tables ang mga guro at gawing faculty rooms ang ilalim ng hagdan at maging ang mismong mga hallway pa nito.



Ayon sa panayam ng Inquirer sa DepEd Secretary, nakita na daw umano nila ang sitwasyon ng mga guro sa naturang paaralan.

Nilinaw ni Briones ang nasabing larawan na kung saan ay inalok di umano ng school principal ang mga guro na gamitin ang laboratory, library at maging ang function hall para maging faculty room.

Ngunit mas ginusto pa ng mga guro na gawin na lamang ito upang makaagaw pansin at mas magmukhang 'dramatic at touching' ang kanilang kalagayan sa naturang paaralan.

Dagdag pa ng DePEd Secretary, delayed ang budget kaya di agad makapagpagawa ng karagdagang mga silid gaya ng hiling ni Herrera sa hiwalay na panayam.



Giit pa ni Briones na "choice" ng mga guro ang kanilang pananatili sa mga CR bilang faculty room at maiwasan ang paggastos pa upang mabilis maipaayos ito.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon at karamihan ay pagka dismaya mula sa publiko dahil sa pahayag na ito ng DepEd Secretary.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng publiko:

"Dramatic and touching???!!! What the heck.. Teachers need a deped secretary who has a heart for teachers. Not a pitiless one! gigil mo po ako."

"Give our public school teachers dignified faculty offices befitting the noblest of all professions, and not the 'dramatic' and 'touching' toilets you were saying!"



 "and this, ladies and gentlemen, is the DepEd secretary. i am torn between getting angry for her pessimistic views towards us teachers, or feel sad that despite all our efforts to make each ends meet for our school and for our pupils, she will always have something negative to say against us."

"Are you in your right mind Sec. Briones? You don't have the best interest of the students and teachers in your heart."

"Why do we have that DepEd Secretary? We are looking forward Sec.Briones for your retirement soon...Sana maayos ang pumalit sayo. You really have no heart for us teachers."

"I am deeply saddened by how you reacted and responded to the current issue, I too have been affected by the idea of using toilets as faculty room"

"Someone who has the heart for the teachers please...buti pa si Bro.Armin Luistro eh"


Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments