Chismosa, naipit ang ulo sa pagitan ng rehas ng gate ng kanyang kapitbahay sa loob ng 5 oras


Photo from Radio La Roca


Iba’t ibang mga reaksiyon ang inabot sa social media ang isang babae na naipit sa rehas ng gate ng kanyang kapitbahay. Nangyari ang insidente sa La Virginia, Colombia.

Ayon sa Radio La Roca FM 103.9 page, mahigit limang oras na naipit ang ulo sa gate ng di pinangalanang babae.



Di umano, sumilip ang babae sa loob ng bakuran upang alamin ang ginagawa ng kanyang kapitbahay.  Ngunit sa di inaasahanag pangyayari, naipit ang ulo ng nasabing ginang sa pagitan ng mga rehas.

At dahil sa pagkakaipit nito, nanatili sa ganung posisyon ang babae ng limang oras at hindi na nya matanggal ang kanyang ulo mula sa pagitan ng mga rehas.

Makikita sa larawan na pawang nakakaawa ang naging kalagayan ng babae.

Naghintay ng limang oras ang nasabing ginang sa ganung ayos bago dumating ang mga rumespondeng mga pulis at bumbero at natanggal na siya sa pagkakaipit.

Ayon din sa ulat, tinangkang sumilip ng babaeng hindi pinangalanan ang loob ng bahay ng kanyang kapitbahay upang makiusyuso kung may tao o kung ano ang ginagawa ng mga ito.

Samantala umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing Facebook post. May mga natawa at nagsabing sana daw ay hinayaan na lamang sa pagkakaipit at hindi na tinanggal ang ulo ng babae sa pagitan ng rehas.



Nagawa pang kuhaan ng litrato ng kanyang kpitabahay ang insidente.

Marahil wala namang masamang intensyon ang naturang babae, nais lamang siguro nitong malaman kung naroon ang kanyang kapitbahay at kung ano ang ginagawa ng mga ito.

Hindi naman sinabi sa ulat kung lubhang nasaktan ang ginang.


Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments