Tirador ng seaman! Napahagulgol na lamang ang seaman matapos maloko ng live-in partner ng pitong taon

Screen-capped image from Raffy Tulfo in Action 




Dumulog ang isang seaman sa tanggapan ni Idol Raffy at humingi ng tulong upang mabawi ang lahat ng ibinigay niya sa kalive-in na umano’y nagtaksil.

Sa kabila ng kanyang kabaitan sa kalive-in ay nagawa pa nitong lokohin sya. At sa inaasahang pagkakataon, nang magkaharap ang dalawa, ang kalive-in pa nito ang syang matapang kaysa sa seaman na napahagulgol na lamang.



Ang 27-anyos na seaman na si Ryan Jubac, ay nagpunta sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang kanyang ka live-in dahil siya'y niloloko daw nito.

Ayon kay Ryan, nalaman na lamang nyang nagdadalang tao ang ka-live in na si Renea Tolosa, sa ibang lalake. Ngunit, sinabi na lamang ito ni Renea matapos na may mangyri sa kanila ni Ryan.

Sa kabila nito, tinanggap pa rin sya ni Ryan at inako ang kanyang dinadalang sanggol kahit na ito ay hindi kanya. Buong pusong minahal ni Ryan ang bata at sila ay nagsama ng pitong taon.

Bilang suporta, binibigay niya raw ni Ryan ang lahat sa mag-ina. Ngunit sa kasamaang palad, hindi raw nilalagay ni Renea sa tama ang mga padala niya. At sa kabila nito, nagawa pa raw mang lalake ni Renea, na sya namang inamin ng huli.


Nang magkaharap ang dalawa sa barangay, nagdala si Renea ng mga patunay na binabayaran niya ang mga SSS nito. Si Ryan naman ay maraming idinagdag na mga akusasyon. Nagpalitan na ng mga akusasyon ang magkabilang panig.


Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments