Secretary Piñol; Ipinagbabawal ang pag-angkat ng mga pork at pork based meat products dahil sa ASF.


Photo of Secretary Piñol / ctto






Kamakailan naglabas ng abiso ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa pagbabawal ng pagpasok at pagbebenta ng mga processed pork meat products sa bansa na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Ipinagbabawal ng DA ang pagpasok ng mga kontaminadong processed pork meat lalo n at ito ay mula sa mga bansang sumusunod: Russia, Romania, South Africa, Ukraine, Zambia, Belgium, Bulgaria, Czech Republic, Hungary, Latvia, Moldova, Poland, China, Hong Kong, Vietnam, Bulgaria, Cambodia, at Mongolia mula noong nakaraang taon dahil sa pagkalat ng ASF.



Ayon kay Secretary Manny Piñol, ang African Swine fever ay lubhang nakakahawa at maaarin itong mailipat at makapasok sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpasok ng mga kontaminadong karne or processed meat products.

Isa na sa mga ipinagbabawal ng Canned meat products ay ang sikat sa ating mga Pilipino na brand na Ma Ling Luncheon Meat. Matatandaan noong May 20, nakumpiska ng Bureau of Customs ang mga delatang Maling Luncheon meat na dala-dala ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Clark International Airport.  

Ang nasabing OFW ay nanggaling pa ng Hong Kong, at humingi ng tulong sa programang “ Raffy Tulfo in Action, na syang nag-asikaso ng pagrelease at pagbabalik ng mga nakumpiskang delata sa OFW.

Umalma naman si Secretary Piñol sa hakbang ng nasabing programa. Ayon kay Piñol, maaring may nilabag ang programa ni Raffy tulfo laban sa “Quaranting order” ng kanyang ahensya at sisiguraduhing maimbestigahan ito.



Inaasahang iimbestigahan din ng Departamento ang nasabing OFW.
Ayon kay Raffy Tulfo, lingid sa kanyang kaalaman na kasama ang naturang brand ng luncheon meat sa mga Ban na produkto sa ating bansa. Iginiit ng broadcaster na ang naturang brand ng luncheon meat ay makikita at mabibili sa mga sikat na grocery stores na may manufacturing date mula December 2018.
Idinagdag pa ni Tulfo na ang ibinalik na brand ng luncheon meat ay taliwas sa nakumpiskang mga delata mula sa OFW.
Ayon sa OFW na si Ginang Norma Agtara, labis nyang ipinagtataka kung bakit sya pinagbawalan sa pagdala ng naturang luncheon meat samantalang ito rin ang brand na kanyang ipinadala sa kanyang mga mahal sa buhay noong Abril at hindi naman ito ipinagbawal.


“Kaya ako ang pinag-initan kasi ang kapitbahay ko dito na naunang umuwi sa akin may dala ring ganun sabi nung asawa niya kahapon,” Ani ni Agtara.
(I was barred perhaps because my neighbor who arrived home earlier than I also brought home similar items, as relayed by her husband yesterday.)
Ayon pa kay Secretary Piñol, kapag ang African Swine Fever (ASF) ay nakapasok sa ating bansa, siguradong maapektuhan ang “Hog industry” ng ating bansa na nagkakahalaga ng  200 bilyong piso.
“Honestly, hindi lang ako (I am not just) concerned, I’m scared. Because the moment the disease enters the country, thousands of Filipino families will suffer,” sabi ni Piñol.


Ang ASF ay kasalukuyang nakaapekto sa bansang China at sa mga apektadong bansa na nabanggit. Hanggang ngayon ay wala pa ring bakuna at panglunas ang nadidiskubre laban dito.
Nagsimula ang pagbabawal ng mga karneng baboy at iba pang mga pork-based products mula sa ASF infected countries mula pa noong nakaraang taon kasunod na rin ang pag-deploy ng mga K9 units upang mahigpit na mabantayan ang pagpuslit ng mga kontaminadong produkto.
 “Any other product shipped in after the ban should be recalled from the market,” dagdag pa ng kalihim ng Agrikultura.

Ang mga mahuhuling lalabag ay papatawan ng parusa at multang aabot sa P200,000.

Source: UNTV



Post a Comment

0 Comments