Kahanga-hangang Driver ng UV Express na may Parkinson's Disease, patuloy pa ring naghahanap buhay sa kabila ng karamdaman




Rodinel Dalisay UV express driver/photo from viral topics



Isang UV Express driver ang nagviral ngayon matapos ipost sa social media kanyang video na nagmamaneho, na syang kuha ng kanyang pasahero.

Kakaiba ang kondisyon ng nasabing driver dahil mayroon itong karamadaman na kung tawagin ay Parkinson's Disease. Ngunit di alintana ng pobreng driver ang karamdaman alang-alang sa kanyang pagha-hanapbuhay.



Nais ng pasahero ng nasabing driver na iparating sa madla ang nasabing video upang matulungan at magsilbing inspirasyon na rin sa iba.

Lubos na humanga si Janine Malagueno Pachoco, ang naturang pasahero ng driver, kaya nagawa ng dalaga na kunan ito ng video at ipost sa social media.

Ang naturang driver ay si Rodiniel Dalisay, at may karamdamang Parkinson’s Disease. Si Kuya Rodel ay may asawa at dalawang anak na babae. Tatlumpu’t taon ng namamasada ang naturang driver upang matustusan ang pangangailan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mag-iina. Kanya ring pinakita ang kanyng lisensya upang maalis ang agam agam ng kanyang pashero.

Taong 2010 ng madiskubre ang kanyang karamdaman at hanggang ngayon ay wala pa ding nadidiskubre lunas sa sakit na ito.



Sa kabila nito, positibo pa rin ang pananaw sa buhay ng pobreng driver. Sabi nya, mas nanaisin pa nyang maghanap ng pagkakakitaan para sa asawa’t mga anak kesa mag stay na lamang sa bahay. Nagsisilbing inspirasyon sa kanya ang kanyang pamilya.

Makikita sa video, ang walang tigil na pag galaw ng katawan ni Kuya Rodel na syang dagdag pahirap sa pagmamaneho nito. Ngunit siniguro niyang maayos ang kanyng pagmamaneho at ligtas ang kanyang mga pasahero.

Labis na napukaw ang damdamin ng kanyang mga pasahero at kanya-kanya sila ng suggestion kung saan sya pwedeng makahingi ng tulong.

Nais lamang ni Janine na matulungan ang driver sa lahat ng paraan upang mapagaan ang kalagayan nito at ng kanyang pamilya.


Naging usap-usapan ngayon sa social media ang naturang video at labis na hinangaan ang kasipagan at pagmamahal nito sa kanyang pamilya. Umabot na sa 14,000 reactions, 7,100 comments at 25,000 shares ang naturang video.



Source: KAMI



Post a Comment

0 Comments