Photo screen-capped from video uploaded by KAMI |
Kahit sa isang progresibong bansa tulad ng Estados
Unidos ang usapin tungkol sa kawalan ng makakain ay isa rin sa isyung kanilang
kinakaharap ngayon.
Marami ang gustong pagtuunan ito ng pansin ngunit iilan
lamang and may kakayanan ito ay isakatuparan, tulad na lamang ng kasalukuyang
ginagawa ng Little Caesars restaurant sa Fargo, North Dakota USA na nagbibigay umano
ng pizza at tubig sa mga pulubing kumuha ng pagkain sa basurahan.
Isang larawan na di maatim ng kanilang General Manager na si Michelle
Lussier kaya naisip niyang bigyan ng maayos na pagkain at makakainan ang mga
taong ito.
Sa ganitong paraan at di lamang sa dasal na mapabuti and lahat ng tao
lalo na ang mga nangangailan – totoong serbisyo and inihandog ng Little Caesars.
“To the person
going through our trash for their next meal, you’re a human being and worth
more than a meal from a dumpster. Please come in during operating hours for a
couple slices of hot pizza and a cup of water at no charge. No questions
asked.”
Ang ganito gawain ay malaking bagay para maibsan ang napakarami pa sa
problema ng mga taong nangangailangan di lamang sa Estados Unidos pati na rin
ng buong mundo.
Sa ginawang ito ng restaurant, bukod sa pagdami ng
tumatangkilik sa kanila nakatulong pa sila sa komunidad.
Source: kami
0 Comments