Baliktad man ang sitwasyon, Awra Briguela proud at napagtapos ang ama sa kolehiyo



Composite photo from Awra Briguela's Instagram



Proud na anak si Awra Briguela nang nagtapos ang kanyang amang si Oneal Brian sa kolehiyo kahapon, April 12, 2019.

Ang dating Ang Probinsyano child star ay nag post ng larawan kasama ang ama sa graduation ceremony nito.



"Congrats papa! So proud of you!! [yellow heart emoji] Sabi nga nila 'its better than late, than never" ayon sa caption nito

"Kaming lahat nang anak mo sobrang saludo sayo! Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag aaral!

"I love you papa!! Congrats ulet! [flying kiss emoji]" ayon pa sa post ni Awra.

Bagama’t baliktad diumano ang naging sitwasyon, sobrang proud si Awra sa nakamtan ng kanyang amang si Onea Brian.

Taong 2017 nang iulat sa TV Patrol ang pahayag ni Oneal na si Awra umano ang nag finance ng kanyang pag aaral.

"Baliktad na. Simula lang po nung nawalan po ako ng trabaho 'tapos nahiwalay pa ako sa nanay niya, parang yun na lang naisip ko na magandang ipapakita sa mga anak ko." Ayon kay Oneal.

Congratulations Awra and family!


Source: PEP




Post a Comment

0 Comments