Mga empleyado ng munisipyo sa Naval, Biliran masisibak pagnag Mobile Legends at PUBG sa oras ng trabaho



Composite photo from ABS CBN and Facebook


Hindi lang sa laro maaring ma-game over ang mga empleyado na naglalaro ng mobile games sa Biliran kundi pati sa kanilang trabaho.

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Naval sa lalawigan ng Biliran ang pagbabawal sa mga empleyado ng munisipyo sa paglalaro ng Mobile Legends (ML) at PUBG o PlayerUnknown’s Battlegrounds habang oras ng trabaho.



Ika nga ng sikat na phrase sa Mobile Legends: The enemy has been slain. 

Sa memo na ipinost sa kaniyang Facebook page, sinabi ni Naval Mayor Gerard Espina na hindi bahagi o parte ng responsibilidad ng mga kawani ng gobyerno ang mag laro ng mobile games, lalo na sa gitna ng trabaho.

Ayon sa alkalde, may sumbong sa kanya na may ilang empleyado sa kaniyang opisina na naglalaro ng PlayerUnknown's Battlegrounds (PUBG) at ML habang naka duty.

"Let it be known to all municipal employees that this act is not included in your responsibility, obligation, and duty as public servants," ayon sa memo ni Espina

"I hereby order that employees that are caught playing mobile games during office hours will be TERMINATED upon proven guilty." ayon sa memo

Inaasahan naman ng mayor na mag-“level up” ang mga pinatatamaang empleyado matapos maibaba ang memo.



"I hope that with this memo, suspected employees will 'level up' their maturity in the seriousness of public service or 'squad up' to find a new place of employment." aniya.





Source: ABS CBN

Post a Comment

0 Comments