18-anyos na crew ng Jollibee, patay nang 'pagtripan' ng katrabaho



Photo source: Marie dela Paz Facebook



Hustisya ang sigaw ng mga mahal sa buhay ng isang 18-anyos na fast food crew sa Jollibee Angeles, Pampanga matapos itong masawi dahil sa trip na kasama.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, inutusan umano ang biktima na si Christian Batac ng kanyang manager na picturan ang kanilang conveyor.



Habang nandoon ang biktima, sinundan umano ito ng suspek at kasamahan sa trabaho na si Kroywren Puno para biruin pag-tripan.

Pinindot umano ni Puno ang button ng pinto ng conveyor at iniwan si Batac, ngunit hindi nito napansin na naipit ang leeg ng biktima sa kordon ng converyor at nasakal ito.

Isinugod sa ospital si Batac ngunit idineklara itong dead on arrival na nagtamo ng galos at pasa sa kaniyang leeg.

“Nag-uumpisa palang siyang nangangarap, pero ganyan na nangyari sa kaniya," pahayag ng ina ng grade 8 student na si Batac

Samantala, laking dismaya naman ng mga kamag-anak ng biktima nang malaman na sira ang CCTV ng naturang Jollibee store.

"From their allegation, sira yung CCTV nila, then kumukuha kami ng ibang anggulo na ma-catch up ang insidente," ayon kay Police Capt. Enrique P. Guevarra, deputy ng Angeles City Police.


Nangako naman ang kompanya na tutulong sa imbestigasyon ng insidente habang ang suspek ay sasampahan ng kasong pagpatay.





Source: ABS CBN



Post a Comment

0 Comments