Pinaskil na tarpaulin ng taong di pa nagbabayad ng utang, nag-viral!



Tarpaulin na may mukha ng umutang at halaga ng inutang nito kumakalat sa social media / mula sa Hottest Online Trends page



Trending at agaw eksena ang isang post na kumakalat na tarpaulin tungkol sa di umano’y hindi nakabayad ng utang.

Makikita sa naturang post ang mukha ng taong nangutang at P7250 na halaga na inutang daw nito na hindi mabayaran.



Ang tarpaulin na ito ay kumalat sa social media at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens kung saan ang ilan ay nagkaroon ng ideya kung paano daw sila maniningil sa mga nakautang sa kanila na tila nakalimot na.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento mula sa post ng Hottest Online Trends:

“Tama lang yan para sa mga taong d marunong magbayad.”

“Gawa din ako ng tarpoline bakasakaling bayaran ako”

“Dba yan bawal? Imbis na bayaran ka ikaw pa ang mkapgbayad hahaha”

“San po nagpapagawa nyan papagawa aq sa sa daanan nun tao dipa binabalik pera q baka sakaling umepekto hahahhaha”

“Ok lng may utang bastat msrunong mag bayad whahaha.”

“Kapag singilin dedma Lang...masubukan nga tarpaulin baka umepekto”

“Itong taong may utang sa akin ang pangalan ay eba sape makapal pa sa anit ng baka ang mukha,,ung isa natigbak na kaya nauwi sa abuloy ung utang sa akin”

Marami ang natuwa sa idea, ngunit may iilan naman ang naawa sa taong nakalagay sa tarpaulin.



Ngunit maging lesson sana ito sa mga mahilig umutang at maging responsible sa pagbabayad dahil siguradong may panga-ngailangan din ang taong ating inutangan.






Post a Comment

0 Comments