Nahuling kidnapper, ibinuking ang modus ng sindikatong nangunguha ng mga bata para ibenta



screen-capped image ng nahuling suspek mula sa video ng Bandila


Isang babae ang nahuli matapos tangkain umanong kunin ang isang 10-taong gulang na bata sa ParaƱaque.

Ayon sa ulat ng Bandila, sa tulong ng mga kapitbahay ay nahuli ang suspek na si Lilibeth Bustamante.



Nagpupuyos naman sa galit ang ina ng biktima na pilit umanong hinahatak ng suspek na nagpapasama daw magpa load sa malayong lugar.

 "Hinawakan niya pong kamay ko pong mahigpit. Tapos po nagpapasama po siya kung saan iyong may ma-loadan. Saktong lumabas yung kapitbahay namin..." kuwento ng biktima.

Mabuti na lamang umano at lumabas ang isang kapitbahay na tinawag ang bata kung kaya't pinakawalan ito ni Lilibeth.

Wala naman pag aatubiling umamin ang suspek sa kanyang ginawa.

"Kumapit lang kasi ako sa patalim. Kung sa una-una walang trabaho yung asawa ko." Ayon dito

Isiniwalat din ni Lilibeth na lookout lamang daw siya ng grupong kumukuha ng mga bata. Target umano ng mga ito ay edad 12 pataas.

"Lookout lang ako, pero yung isa talaga yung kumukuha ng bata."

"Ipinapasok nila po sa cyber..., sa pedophile....., yung mga nauna nilang victim, binebenta po nila sa casa."

Ayon sa ulat, front daw ni Lilibeth ang mag alok ng pautang para sa modus nilang manguha ng mga bata.


Nag paalala naman ang mga taga baranggay na dobleng ingat at bantayan ang kanilang mga anak upang hindi mabiktima ng sindikatong ito.




Source: Bandila

Post a Comment

0 Comments