Mga pasaway! Mga nagkalat sa kaka-linis na Manila Bay, sinita

Collage photo of Manila Bay clean up drive and thrash left by some visitors (ctto)



Talaga namang sadyang matitigas ang ulo ng karamihan sa mga Pilipino dahil sa kabila ng patuloy na clean up drive sa Manila Bay, marami pa rin ang pasaway at nag iiwan ng kalat.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, marami pa ring nahuli ang Department of Public Services (DPS) ng Maynila na nag iiwan ng basura pagkatapos bumisita sa Manila Bay.



Ngayong umaga ng Sabado, dagsa lalo ang mga tao at nag tila resort ang bay. Ang iba nga ay nag picnic pa at nag swimming kahit na bawal.

Simula nang matapos ang paglilinis sa Manila Bay noong January 27 bilang bahagi ng rehabilitation program ng gobyerno, lalong dumagdagsa ang mga tao sa nagbabalik ganda ng Manila Bay.

Karamihan sa kanila ay mga batang masayang naglalaro sa tubig, at ang iba naman ay nasa gilid ng beach at nakaupo sa buhangin habang ang ilang pamilya ay may dalang mga banig at pagkain.

Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad na huwag mag kalat sa Manila Bay at maging responsableng mga mamamayan.

Nagsasagawa pa rin ng clean up ngayon ang iba't ibang grupo, tulad ng DPS, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), fire volunteers, at maging bikers at riders groups sa Manila Bay. 



Ang Manila Bay ay sasa-ilalim sa pitong taon na rehabilitation program. Marami na rin ang establishments ang nabigyan ng order upang ipasara dahil sa paglabag sa kanilang obligasyon sa kapaligiran at sa pananatiling malinis ang tubig.


Source: ABS CBN




Post a Comment

0 Comments