Lolit Solis on feud with Falcis brothers "I will not take a bullet for Kris Aquino."

Falcis brothers and Kris Aquino / compiled photo from Google




Talagang nabahala ang beteranang talent manager at entertainment columnist na si Lolit Solis sa banta di umano ng magkapatid na Nicko at Jesus Falcis na sasampahan siya ng kaso.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal or PEP, nag ugat umano ang pangamba ni Lolit nang siya ay tawagan ng entertainment reporter na si Mercy Lejarde at ibinalitang sasampahan siya ng kaso ng magkapatid na Falcis.



Ang kasong ito ay kaugnay ng legal clash sa pagitan ng aktres na si Kris Aquino at ng magkapatid na Nicko at Jesus.

October 2018 nang sampahan ng kaso ni Kris si Nicko na dati niyang business partner/endorsement closer/talent agent/managing director ng digital company na Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Sinampahan ni Kris ng 44 counts of qualified theft si Nicko noong October 12, 2018 dahil sa unauthorized na pag gamit umano ng credit card ng KCAP para sa personal nitong expenses.

Si Jesus naman ay kinasuhan ng aktres ng 9 counts of cyberlibel noong Nobyembre 2018, kaugnay sa paninira naman ng huli kay Kris sa social media.

Sa kanyang Instagram post, naglabas ng saloobin si Lolit tungkol sa banta sa kanya ng magkapatid.

Ayon sa talent manager, “Salve I am very upset, agitated, stress and sad. Sabi ni Ricky Lo, don’t take the threat of the Falcis brothers lightly. I am taking it seriously, that’s why I feel this way. “



“Almost everyday may nagsasabi sa akin na laging nababanggit ang pangalan ko sa mga posting ng mga Falcis. I never thought I will be as important.

"I have never met any of them, I don’t know them, I don’t even know how they look."

Iginiit din ni Lolit na sa tagal ni Nicko na kasama si Kris, alam nito na hindi niya tlaga nakaka text man lang ang akres at hindi siya kasama sa mga reporters na binabayaran umano ni Kris.

“I only come to know the name Nicko Falcis dahil nang pumutok ang balita, may mga taong nagtatanong sa akin at mukhang kilala sila ni Nicko dahil binabanggit ang pangalan niya, kaya nalaman ko kung sino siya. 

“And to be fair, I was in awe dahil halos lahat ng nakausap ko glowing ang mga salitang binitiwan about Nicko Falcis.

"And knowing how hard it is to be in the circle of friends ni Kris Aquino, and kung gaano siya mag-background check lalo na sa business people niya, I am sure isang trustworthy person at capable sa trabaho si Nicko."

Sinabi rin ni Lolit sa kanyang Instagram post na na wala raw siyang sisisihin kung ituloy ng Falcis brothers ang pagsampa ng kaso laban sa kanya.

“I am not taking a bullet for Kris. Pero kung dahil sa opinion ko sa Instagram at sa radio dahil sa issue na ito, I will not blame anyone if dahil sa stress at depression na sa edad ko na 72 (sa May) ay idemanda ako, I will take the consequences, I will happily accept my death without blaming the Falcis for it.



“I don’t take side here, willing ako to listen, willing to admit if I did something wrong, willing to clear out the issues.”

Source: PEPph







Post a Comment

0 Comments