Kris Aquino says she can't forgive Nicko Falcis: "Pinapamukha pang ako ang pinakawalanghiyang tao sa mundo."


Kris Aquino and Nicko Falcis / photo from Instagram and PEP.ph


May bagong bwelta si Kris Aquino sa di umanoy paninira  ng kanyang dating business manager at business partner na si Nicko Falcis.

"I'm still here. It didn't work." ayon kay Kris



Ang bagong banat na ito ng Queen of All Media ay kaugnay sa di umano'y audio recording na kumalat sa social media noong January 14, 2019 kung saan isang babaeng pinagbabantaan ang isang lalaki ng "PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO."

Agad naman itong inamin ni Kris kinabukasan, na siya at si Nicko ang magkausap sa viral na audio recording.

Naglabas si Kris ng panibagong video sa mismong araw ng kanyang kaarawan kahapon February 14, kung saan naghayag siya ng saloobin sa away nila ni Nicko.

Sa video ay ininterview siya nina manager/actor/radio host na si Ogie Diaz at ang Balita entertainment editor na si Dindo Balares.

Maliban sa usual update na tungkol sa kanyang health,  love life, career, at mga anak, na highlight din ang kanyang kontrobersyal feud kay Nicko.

"When was the last time I saw Nicko face to face? September 18.

"So from September 18 onwards, hindi na kami nagkita.

"The last conversation was September 27. That last illegally recorded conversation occurred.

"So, magmula nung panahon na yun. Siguro nag-ano siya... nag-ipon siya ng kuwento niya at ng mga paninirang gagawin sa akin."

Ayon pa sa aktres/TV host, desidido na raw siyang huwag patawarin si Nicko.

"There's no remorse. And there's nothing but hatred being thrown my way.

"And there has been zero gratitude when I earned millions for him. Niloko na 'ko. Dinaya na 'ko.

"Pinapamukha pang ako ang pinakawalanghiyang tao sa mundo.

"Bakit ko papatawarin? E, di ang buong Pilipinas sasabihin naman, 'Ang pinakatangang tao sa Pilipinas si Kris Aquino.' No!"

"I can forget. He can cease to exist in my life.

"But to forgive? I'm not a saint.

"I can ignore. Siguro that’s the wisest thing I can do—I can ignore the stupidity."



Source: PEPph

Post a Comment

0 Comments