Isang ina galit na galit sa mga mahilig magyosi dahil sa sinapit ng anak: 'Wag nyo antayin na mangyare to sa mga anak nyo'



Compiled image ng mga larawan sa Facebook post ni Roan 



Isang ina ang naghihinagpis at naglabas ng saloobin sa mga taong mahilig manigarilyo dahil umano sa nagiging epekto nito sa mga tao na nakaka langhap ng usok, lalo na sa kanyang 10-taon gulang na anak.

Viral ngayon ang post ng netizen na si Roan Cabana Guiral na nagpahayag ng labis nag alit sa mga mahilig mag-yosi.



Ayon sa kanyang post, namamaga umano ang baga ng kanyang anak na sanhi ng infection mula sa nalalanghap nitong usok ng sigarilyo.

“Dapat talaga tinataasan pa lalo ang presyo ng yosi gawin ng 1k!!! Sa murang edad ng anak ko na 10yrs old namamaga ang kanyang Baga at nagkaroon ng infection gawa ng nalalanghap na usok ng SIGARILYO!!Ayon kay Roan

“Gusto ko magwala magalit sa mga taong walang pakealam sa knilang paligid.” Dagdag nito

Hindi napigilan ni Roan ang magalit sa mga taong ayon sa kanya ay makasarili.


Basahin ang kanyang buong Facebook post:

Ako nalang sana bat anak ko pa? Jan sa mga walang konsenysa jan tigilan nyo na kakayosi!!! Kung gusto nyo magpakamatay wag kayo mandamay! Dapat talaga tinataasan pa lalo ang presyo ng yosi gawin ng 1k!!! Sa murang edad ng anak ko na 10yrs old namamaga Ang kanyang Baga at nagkaroon ng infection gawa ng nalalanghap na usok ng SIGARILYO!! gusto ko magwala magalit sa mga taong walang pakealam sa knilang paligid. 

Hndi nyo Alam Kung kahirap sa isang magulang nahihirapan anak namin dahil sa mga taong makasarili!!!!! Nadadamay Pati mga batang inosente!



Wag nyo antayin na mangyare to sa mga anak o kamag anak nyo !!




Screen-capped image ng x-ray findings ng 10-taon gulang na anak ni Roan mula sa kanyang Facebook post



Source: Roan Cabana Guiral

Post a Comment

0 Comments