Hindi pa tapos! Gretchen Barretto throws thanksgiving party for Nicko Falcis for winning against Kris Aquino



Gretchen Barreto and Kris Aquino /  compiled photo from Google (ctto)


Mukhang hindi pa tapos ang pang aasar ni Gretchen Barreto kay Kris Aquino.

Matapos ma dismiss ang kasong Qualified Theft na sinampa ni Kris laban sa kaniyang dating business manager na si Nicko Falcis ay nabigay ng isang “thanksgiving party” si Gretchen para dito.



Ayon sa ulat ng PEP, ginawa umano ang handaan sa Forbes Park, sa isa sa mga bahay nila Gretchen at Tonyboy Cojuangco sa ilang exclusive village ng Makati.

Noong Biyernes, February 22, nauna nang binati ni Gretchen si Nicko sa kaniyang Instagram ng, "Congratulations nix. God is good and just celebrating now."

Hindi naman malinaw kung kasama o imbitado si Nicko sa naturang pa thanksgiving ni Gretchen, ngunit dinaluhan ito ng ilang mga malalapit na kaibigan ito kasama ang talent managers na si Bettina Aspillaga, na kanang kamay ni Boy Abunda, at si Dolor Guevarra, na ayon sa PEP ay malapit din umano kay Kris.

Ayon din sa ulat, madalas na nagkikita-kita ang mga kaibigan ni Gretchen kapag Biyernes pero ito ang biglang naging “thanksgiving party” matapos malaman ng aktres ang pagka-panalo ni Nicko sa kaso.

Dahil dito, masasabing tila malalim ang hidwaan sa pagitan nina Gretchen at Kris.


Inilabas ng Makati Prosecutor's Office ang desisiyon nito noong February 18 na babasura ng kaso laban kay Nicko.


Image from Gretchen Barreto's Instagram 


Source: PEP Ph





Post a Comment

0 Comments