Gladys Reyes, nanampal ng mga estudyante sa DLSU




Collage photo from PEP ph and Instagram 


Gladys Reyes, nanampal nga ba ng mga bagets?

Trending ngayon ang isang article kung saan naka headline na ang batikang aktres na si Gladys Reyes ay nanampal ng mga estudyante.



Napagalaman ng RottenPottatoe na ito pala ay isang workshop para sa mga aspiring actors or actress mula sa De La Salle University (DLSU) sa Taft Avenue.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal Philippines (PEP Ph), matagal na umanong gusto ni Gladys mangyari ang pangarap niyang “Moment Ko ‘To”.

Kaya naman nang makatanggap umano ng Direct Message ang aktres sa kanyang Instagram account mula sa isang representative ng DLSU ay hindi niya agad mapaniwalaan ang balita.

Nang matiyak na totoo ang imbitasyon, tuwang tuwang si Gladys dahil matagal na niyang pangarap ang makapag bahagi ng kaalaman sa pag arte lalo na sa mga kabataan.

“Biglang may nagbukas sa akin na opportunity nang mag-DM [Direct Message] sa akin ang DLSU, mga college student [ang tuturuan].

“Hindi lang Mass Communication students, may accounting students, iba-iba sila.

“They wanted to invite me to conduct an acting workshop para sa Basic TV and Movie Acting.

“Ang sabi ko, ‘yang workshop, intimate yan. Sabi nila, yung mga hands on sana, mga sixty.

“Ang dami! Sabi ko teka lang, but I found a way.

“Nag-grouping ako,” Kwento ng aktres.

Tumanggi din siyang sabihin kung magkano ang talent fee niya para dito dahil secret daw.


"Parang mga second year college sila, yung iba, 3rd year college students.

“Ang nakakatawa, ang goal nila for that day, magpasampal sa akin!

Nang tanungin kung ilan ang kanyang nasampal…

“Ang dami! Hindi ko na mabilang!

“Tawang-tawa ako sa kanila.

“If you research sa Twitter, nakakatawa yung mga bata. Ayaw nila ng fake na sampal, gusto nila totoo!” ang sabi ni Gladys.


Source: PEPph




Post a Comment

0 Comments