Broadway star Lea Salonga shows support to sketch artist belittled by influencer



Lea Salonga and Hans Alcanzare / compiled photo from Google and Facebook



Nagpahayag ng suporta ang international artist na si Lea Salonga sa sketch artist na si Hans na nagpost kamakailan tungkol sa isang “influencer” na nagpapagawa sa kanya ngunit imbes na pera, shout out nalang daw ang ibabayad.

Nag viral ang post na iyon ni Hans Alcanzare kung saan tila minamaliit ng influencer ang kanyang kakayahan bilang isang artist.



Dahil dito, hindi nakapag pigil ang broadway star na mag post ng mensahe para ipakita ang suporta niya kay Hans.

“Dear artist, your work and skills are worth at least triple the price you quoted. You’re truly talented!” Ayon sa tweet ni Lea.

Noong January 30 nang ishare ni Hans sa social media ang conversation niya sa naturang influencer.

Mababasa sa kanilang usapan na gustong magpa-sketch ng influencer kay Hans, kagaya ng iginuhit nitong portrait ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sumagot ang artist na P15,000 ang bayad kung magpapa gawa ng canvas na sinlaki ng kay Miss Universe.

Ngunit tila nadismaya ang influencer at sinabing “Ay ang mahal naman! influencer ako, shoutout sana kita! Madali lang naman yan!”

Sa kanyang caption, sinabi ni Hans na blinock siya ng influencer matapos ang usapang iyon. Nakiusap din ito na huwag maliitin ang mga artist at ang kanilang mga likha.


Narito ang buong Facebook post ni Hans:

Hi Ma’am thank you for blocking me so I have now the opportunity to post this. My work might be just a piece of shape, curve and shade for you. But for me, I consider it as my greatest workmanship and able to call it my own “Masterpiece”. I respect you as an influencer and I have nothing against with it coz’ I know that’s how you do for a living. But, I know you are getting paid for the product placements and endorsements as an influencer so please, don’t expect me to do something for free.



I hope you understand that I invest so much on my art materials, time, energy and effort. Getting a shoutout doesn’t even pay bills or fill an empty stomach. Please don’t look down on us (artists) and on our arts. Thank you!



Screenshot image of Lea Salonga's tweet




 Source: PEPph

Post a Comment

0 Comments