Alfred Vargas napaluha nang maisabatas ang kanyang Cancer Bill: 'naiyak ako, kasi nga yung experience ko sa mom ko'






Naging emosyonal para kay Alfred Vargas bilang isa sa principal authors ng Republic Act 11215 o ang National Integrated Cancer Control Act ang pagsasabatas nito, dahil dedicated pala niya ito sa kanyang ina, na biktima rin ng sakit na cancer.

Ayon sa ulat ng PEP Philippines, hindi umano mapigilan ng dating actor na ngayon ay isang nang politiko ang mapaluha  nang tuluyan itong maisabatas.



Ang ina ni Alfred na si Atty. Susana Dumlao-Vargas, ay namatay dahil sa uterine cancer noong March 29, 2014.

“Nung pumasa ang Cancer Bill, naiyak ako, kasi nga yung experience ko sa mom ko. She was a victim of cancer at ito ang naging inspirasyon ko,” ayon sa actor-politician

Patuloy niya “I worked with Cancer Society of the Philippines, at two years in the making ito.

“Natuwa ako dahil, finally, naipasa na.

"Sabi ko nga sa Instagram post ko, ‘For mom and country.’ So, sa lahat ng may mga kanser, mga cancer survivor, pati yung families nila, there’s hope.

“At ito na yung umpisa na talagang convenient at mas malakas na fight natin against cancer.

“Also, because of this law and because of my mom, na-inspire ako na umikot around the country.

“Tuwing nasa labas ako ng Quezon City, nagtatanong din ako sa mga cancer patient and families.

“Alam mo, sa normal na Pilipino, magugulat ka, lalo na sa ating mga mahihirap na kababayan, kapag member ng family, nagkaroon ng kanser, sasabihin na lang ng tatay at nanay, ‘Anak, huwag niyo na akong ipagamot. Ayokong maging pabigat sa inyo.’

“Medyo nasa-shock ako sa mga ganoong sagot kasi ganoon ang approach, dahil alam ng bawat 
Pilipino na sobrang mahal magpagamot ng kanser. 'Tapos hindi pa sure kung gagaling ka. So, ganoon ang outright attitude.

“Although meron naman ibang families na, ‘Hindi! Hindi ka namin pababayaan. Ilalaban natin ito.’

“Isasangla nila yung kotse, mangungutang sa 5-6, isasangla nila ang lupa nila. In the end, kapag pumanaw yung patient, baon na sila sa utang at yung iba, talagang millions and millions of pesos.
“Kawawa talaga yung mga Pilipino,” Ang sabi ni Alfred

“Itong Republic Act na ito, addresses that,” Dagdag niya

“Sinasabi rito na kayong family, hindi kayo nag-iisa. Tutulungan kayo ng gobyerno.”



Sinabi rin ng dating actor na dahil bagong batas na ito ay magkakaroon na ng Philippine Cancer Center sa bansa.

“Meron na tayong Heart Center, Lung Center, at Kidney Center.

“Itong batas na ito, magtatatag ng Philippine Cancer Center na bagong ospital na talagang kanser lang ang specialization.

“Hopefully, ilagay sa Quezon City,” Paliwanag ni Alfred













Post a Comment

0 Comments