Aktwal na pang-hoholdap ng pasaherong may baril sa taxi driver, nakunan sa dash cam




Viral ngayon ang video ng isang holdaper na nambiktima ng taxi driver na nanlimas ng kinita at personal na gamit nito.

Hindi na nanlaban pa ang pobreng driver dahil tinutukan siya ng baril nang magdeklara ng holdap ang suspek.


Mabuti na lamang at may dash cam ang taxi kaya nakunan ang pagmumukha ng holdaper.

Makikita sa kumakalat na video sa social media na tahimik na nagmamaneho ang driver sa tabi ng pasaherong lalaki.

Mamaya maya ay nagdeklara na ang pasahero ng holdap habang may hawak na baril.

Biglang binuksan ng driver ang ilaw kaya na expose ang mukha ng suspek na nambiktima sa kanya.

Mabilis namang tinutukan ng holdaper ang driver at pinatay ang ilaw habang tinatakot ito upang ibigay ang kanyang kita.

Di na nagawang manlaban ng tsuper dahil sa pananakot na kapag pumalag ay puputukan siya nito.

Ayon sa stamped ng dash cam, ang insidente ay nangyari noong Biyernes, February 22.

Awang awa naman ang mga netizen sa driver na maayos na nagta-trabaho ngunit nakuha pa ang kinitang pera nito:

"kapal ng mukha mo manong wag kang tamad maghanapbuhay ka ng marangal Hindi yun nkakaperwesyo ka ng kapwa m.."

"Nakita mukha nya sa mga nakakakilala sana naman makipagtulungan kayo sa kapulisan kung gusto nyo masugpo ang kriminalidad"

"Sikat ka na animal ka sgurado may nkkkilala syo. Ktyin yn para di pmrisan sakin nyo dalhin balatan ko ng buhay yn."









Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments