Robin Padilla comments on call to boycott his Bato dela Rosa film: 'Dahil lang sa pulitika? Ganun na tayo kababaw?'


Robin reacts to boycott his film




Matindi ang naging reaksyon ni Robin Padilla matapos makarating sa kanya ang balitang nagba-block ng Facebook friends ang beteranong director na si Lore Reyes sa mga nagpu-promote ng pelikulang Bato: The Gen. Ronald Dela Rosa Story.

Napamura si Robin o mas kilalang ‘Binoe’ sa industriya nang mapag alaman niya ang kwento.



Si Robin kasi ang gaganap bilang dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General "Ronald "Bato" dela Rosa, na tumatako naman bilang senador ngayong darating na mid-term elections.

Ayon sa report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagkaroon ng media conference ang naturang pelikula noong January 24, at doon ay nabanggit ng reporter na si Pilar Mateo na blinock daw siya ni Direk Lore sa Facebook dahil nag-promote siya ng naturang pelikula.

Nakarating din daw ang impormasyong iyon kay Robin, kasama ang balitang dapat ay i-boycot ang kanyang pelikula.

Sagot naman ng aktor, bagama’t di pa niya nakaka trabaho si Direk Lore, nirerespeto daw niya ito ngunit hindi niya matanggap kung bakit kailangan haluan ng pulitika ang kanyang trabaho.



Sagot ni Robin “Ano ba naman 'tong mga taong ito? E, artista kami!

“Bakit isinasama niyo… ibu-boycott niyo ang kasama niyo sa Pelikulang Pilipino?

"Dahil lang sa pulitika? Ganun na ba tayo kababaw na?

“Sabi ko, ‘tong mga taong ito... alam nyo minsan dapat ang pagkakaintindi natin sa isang bagay, malawak.

“Ang pulitika sa buhay natin, dapat parte lang. Hindi yung ibubuhay mo araw-araw.

"Paggising mo pa lang, pulitika agad? F--k that, man!"

Nanindigan naman ang direktor nang malaman niya ang mga batikos sa kanya.

“I stand by my principles and will persist in critizing bad governance, plundering of the national treasury, and the pervading air of injustice, fear and intimidation, and non-accountability.” Ayon kay Direk Lore.

“Recently, angry words have been hurled at my person on account of statements I’ve made in public posts on Facebook. Cursing me and calling me names will not change my active political posture.” Dagdag nito


Sinabi rin niya na pnatay ng mga Marcos ang kaniyang mga kaibigan habang pinaglalaban ang ating karapatang pantao at kalayaan, at hindi niya raw ito tatalikuran.


Source: PEPph










Post a Comment

0 Comments