Robin, ayaw pumasok sa pulitika: 'gusto n’yo ba may binubugbog ako sa senate?'



Composite photo of Robin Padilla with Daniel Padilla as they give support to Rommel's filing of candidacy last year 


Kilala bilang taga suporta ng Duterte administration ang action star na si Robin Padilla, 49, ngunit ayon sa actor, hindi niya gustong pasukin ang mundo ng pulitika.

Sa media conference ng kaniyang pelikula na Bato, The Gen. Ronald Dela Rosa Story, noong Huwebes, sinabi ni Robin sa members of the press ang kaniyang dahilan kung bakit ayaw na niyang pumasok sa pulitika.



“Isa lang po ang pulitiko sa pamilya [namin], si Rommel na ’yon,” Ayon sa actor pagtukoy sa kapatid niyang si Rommel Padilla, na balitang tatakbo bilang Congressman sa Nueva Ecija.

“Si Rommel ay tatakbong congressman. E, against tayo sa anti-dynasty…mahirap naman ’yong ako mismo, hindi ka susunod. Practice what you preach. Tama na isa, si Rommel na ’yon…si Kuya Rommel talaga ang public servant, e.”  Dagdag pa nito

Ayon sa actor, hindi siya pwede sa pulitika dahil wala siyang pasensya.

“Hindi ako p’wede diyan. Wala akong pasensya. Kailangan diyan mapagpasensyang tao. Gusto mo ba may binubugbog ako sa senate? Naku, wag!” biro niya

“Tama na po isa sa pamilya…hindi po…talagang ano po ako, against political dynasty.” Dagdag ni Robin


Si Robin ay gaganap bilang si dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Source: PEPph




               
                                                                               

Post a Comment

0 Comments