Part 5! Mga panlilinlang ni Sheerlyn sa kahuli-hulihang pagkakataon sinawalat ni mister na tricycle driver na may 5 anak



Composite photo from Raffy in Actions's video and Google



Hindi pa pala tapos ang kwento ng tricycle driver na si Charlie at ng OFW na si Sheerlyn dahil may mga rebelasyon pa matapos ang insidente sa OWWA kung saan nagwala ang huli at nagkaroon pa ng bonding ang pamilya nila pagkatapos.

Napag alaman na tuloy pa rin ang relasyon ni Sheerlyn sa naging kabit nito habang nasa ibang bansa na mahigpit niyang itinanggi noong una.



Ayon sa report ng KAMI at video mula sa Tulfo in Action, nag video call pa ang dalawa sa lugar kung saan sila nilagay ni idol Raffy.

Humingi pa si Sheerlyn ng pang unawa na sana ay huwag siyang husgahan ng mga tao dahil hindi raw siya ganun ka landing ina at ginagawa naman daw niya ang best niya para sa mga anak.

Binunyag naman ni Charlie na parte ng group chat ng pamilya ni Sheerlyn si Edwin at may plano pa itong umuwi sa Pebrero para hingin ang basbas ng mga magulang nito.

Napaiyak lalo si Charlie dahil tinalikuran siya at na traydor ng pamilya ni Sheerlyn lalo pa nang malaman nito na hindi na ibabalik ang isang anak nila na napag kasunduan isasama lang ng kaniyang asawa sa General Santos.

Nagsumamo naman si Charlie na ibalik nalang ang bata dahil ayaw niyang magka hiwa-hiwalay ang magkakapatid.


Nangako naman si Charlie sa mga taong tumulong sa kanya kasama ang programang Tulfo in Action na palalakihin niya at itataguyod kahit mag isa ang mga anak.





Post a Comment

0 Comments