Paano na ang CarGel? Carlo Aquino spotted with non-showbiz girl in La Union



Non-showbiz girl with Carlo Aquino / photo from PEPph and Google



At talagang mabilis ang balita dahil kalat na kalat kaagad sa social media ang larawan ni Carlo Aquino kasama ang isang non-showbiz girl habang nagbabakasyon umano sa La Union.

Sa isang artikulo na inilabas ni PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay ipinakita ang mga larawan na ipinadala umano ng isang netizen noong Miyerkules.



Napag alaman na ang pangalan ng babae na kasama ni Carlo ay Trina Candaza at namataan silang magkasama nitong unang linggo ng January.

Ayon din sa PEP, nakita din ang dalawa na magkasama bandang second week ng January sa isang mall sa Makati.



Samantala, hindi naging kaila sa publiko na muling naugnay si Carlo sa kanyang ex-girlfriend at onscreen partner niyang si Angelica Panganiban.

Naging tampok ng espekulasyon na magkakabalikan na ang dalawa.

January 15 naging sunod-sunod naman ang mga pasaring ni Angelica sa kanyang mga tweets tungkol sa pinagdadaanan niyang heartbreak.





Source: PEPph


Post a Comment

0 Comments