Netizen gets sarcastic reply from Jake Ejercito after frustrated post against Erap, his dad



Manila Mayor Erap Estrada's son Jake Ejercito


Umalma si Jake Ejercito, 28, sa post ng isang netizen sa Twitter na tila ba sinisisi ang matinding trapiko sa Maynila kay Mayor Erap Estrada, na kanyang ama.

Si Jake ay isa sa tatlong naging anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez.



“You leave early so you can go to work early & without hassle. But then in Manila (Pier) you get stuck because of these super ‘Disciplined’ truck drivers. Hands up to the ‘best’ mayor in the world. [vomiting, face palm emojis]@PresidentErap @unoemilio” ang buong tweet ng netizen na naka tag pa mismo sa dating pangulo at kay Jake.

Hindi naman ito pinalampas ni Jake at sarkastiko ring sumagot sa tweet kung saan ay binigyang diin nya ang mismong sinabi ng netizen “disciplined” truck drivers.

“You already said it. ‘Super ‘disciplined’ truck drivers.’ Why don’t you blame the mayor for the scorching January heat, failure of Brexit, and Kris Aquino’s sickness too? Sheesh” sagot ng binata.

Inamin naman ng netizen na sarkastiko nga ang kanyang sinabi dahil sa frustration.


Ayon din sa mga nakisali sa comment, ginamit ng mga tao ang social media upang ilabas ang kanilang mga hinaing at ng mabigyan ng solusyon.


Manila traffic frustration
screen shot from Pep.ph 



Source: PEP




Post a Comment

0 Comments