Mister at mga anak ng OFW na nangaliwa, binigyan ni Raffy Tulfo ng P100K

Photo credit to Raffy Tulfo in Action video




Sa ikalimang bahagi ng video ng OFW na pinagpalit ang asawang tricycle driver at lima nitong mga anak para sa isang engineer umano, ay pinakita na lalong tinulungan ni Raffy Tulfo si Charlie at mga anak nito.

Napag alaman na binigyan ni idol Raffy si Charlie ng P100K para makapag simula uli at para na rin sa mga anak nito.



Tinulungan pa na makapag bukas ng bank account ang tricycle driver sa BDO para doon idedeposit ang pera.

Binigyan ni Idol Raffy Tulfo si Charlie ng P100K para makapagsimulang muli kasama ang mga bata / photo credit to Raffy Tulfo in Action video


Pinag shopping din ni idol ng mga damit, sapatos at groceries ang mag aama na napaka laking tulong na sa kanila.

Naunang nai-ulat ng RottenPotatoe na tuloy pa rin pala ang relasyon ni Sheerlyn sa naging kabit nito habang nasa ibang bansa na mahigpit niyang itinanggi noong una.

Umiiyak na binunyag ni Charlie na nag video call pa ang dalawa sa lugar kung saan sila nilagay ni idol Raffy.

Parte pa umano ng group chat ng pamilya ni Sheerlyn ang naging kalaguyo nito na si Edwin at may plano pa itong umuwi sa Pebrero para hingin ang basbas ng mga magulang nito.


Nangako naman si idol Raffy na tutulungan niya si Charlie na makuha niya ang kustodiya sa mga anak.


Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments