Mga sikat na artistang nakaalitan na umano ni Kris Aquino



Kris Aquino / photo from Pinoy Parazzi (ctto)



Kasalukuyang inuulan ang aktres na si Kris Aquino ng iba’t ibang intriga kaugnay sa kanyang dating business partner na si Nicko Falcis na kanyang kinasuhan ng Qualified Theft.

Kumakalat naman ngayon ang umano’y recorded phone conversation ni Kris kay Nicko na kung saan ay maririnig na pinagbantaan niya itong papatayin pag bumalik ng bansa.



Inamin naman ni Kris sa isa niyang Instagram post na siya ang babaeng kausap ni Nicko at kasabay nito, sinabi ng aktres na dala lamang iyon ng bugso ng damdamin dahil sa di magandang balita na kanyang nalaman tungkol sa kaniyang kalusugan.

Samantala, nilista naman ng KAMI website ang ilang mga celebrity na nakaalitan ni Kris.

Ai-ai Delas Alas

Kung maalala ng mga taga subaybay ng showbiz ang nakakagulantang na balitang nag end-of-friend ang dati’y mag BFF na Kris at Ai-Ai dahil sa di umano pagdalo ni Kris sa burol ng tunay na ina ni Ai-Ai.

Super close ang dalawa noon at nagkasama pa sa pelikula at ilang proyekto ng ABS CBN.


photo credits to the owner


Ruffa Gutierrez

Ayon sa KAMI, nagkaroon ng maliit na alitan ang dalawa nang dahil sa lipatan ng network.
Napaka controversial din ang kanilang hidwaan dahil nangyari ito on-air, habang on going ang “The Buzz” talk show kung saan pareho din silang co-host.

Nasaktan di umano si Ruffa na sinabihan siya ni Kris na walang manonood sa kanya sa TV, habang emosyonal na nag papaalam si Ruffa  sa audience.

On-air din siyang sinagot ng beauty queen na huwag nang ipamukha sa kaniya ni Kris ang bagay na iyon.

Ruffa Gutierrez /photo from Google (ctto)


Judy Ann Santos

Maliit na bagay lang ang umano’y naging dahilan ng kanilang alitan, dahil lang sa isang Instagram post ni Juday noong February 2015.

Nagpost umano si Juday ng larawan ni dating US President Barack Obama na dumadalaw sa kaniyang mga namatay na sundalo- bagay na kina-offend ni Kris, dahil tila ba ito ay patama sa kaniyang Kuya Noy, na pangulo noong panahon na iyon.


Matatandaan na naging laman ng mga balita ang hindi pagdalo ni Noynoy Aquino noon sa arrival honors ng napatay na SAF 44 sa Maguindanao.

Matapos lang ang ilang araw, sinabi ni Kris sa on TV sa Aquino and Abunda Tonight na matapos magdasal at magsimba, tinext niya si Juday at nag sorry.

Judy Santos / photo from ABS CBN


Mocha Uson

Alam naman halos ng lahat na pulitika ang ugat ng hidwaan ni Kris at dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson. Nagkaroon pa nang sagutan sa social media ang dalawa.

Kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha at hindi nagustuhan ni Kris ang pagpost nito ng isang video ni Ninoy Aquino—ama ni Kris—na hinahalikan ng dalawang babae. Ito ay nangyari kasagsagan ng kontrobersyal na paghalik ng pangulo sa isang babae sa South Korea.


Former PCOO Asec. Mocha Uson / photo from Google (ctto)



Source: KAMI



Post a Comment

0 Comments