Mga babaeng single at edad 30 pataas papayagan magkaroon ng "dating leave" o "love leave"


Love leave, Dating leave
Some companies in China grant "love leave" for single women more than 30 years old / photo from Google (ctto)



Kung ikaw ay single at 30 years old na tiyak na iyong ikatutuwa ang ang panukala sa bansang China na pagbibigay ng "love leave" sa kanilang empleyado.

Dalawang kompanya sa nasabing bansa ang nagbigay ng walong araw na "love leave" o "dating leave" sa kanilang mga empleyadong babae na may edad na 30 pataas at single para sa darating na traditional break.


Ayon sa South China Morning Post (SCMP), ang Hangzhou Songcheng Performance at Hangzhou Songcheng Tourism Management ang nakaisip ng ideyang ito.

Maari din umano mag extend ang mga gustong mag "dating leave" kung kailangan.

Sa bansang China, ang mga babae umano na lagpas 30 na ang edad ay tinatawag nang "leftover women"dahil sa kanilang belief na ang mga babaeng late mag asawa ay hindi attractive sa mga kalalakihan.

Sa kabilang banda, hindi naman maiiwasan na hindi maging priority ng kababaihan ang pag aasawa lalo na kung mga carreer oriented sila.

Ayon sa datos ng Ministry of Civil Affairs ng China, bumababa ang bilang ng nag aasawa sa bansa kada taon simula noon 2013.

Ang perk na ito ay hango sa naunang panukala ng Dinglan Experimental Middle School kung saan ang mga guro nilang single at wala pang anak ay pinahintulutan nilang magkaroon ng 'love leave.'
Napapansin umano ng school na wala nang oras magtanggal ng stress at makihalubilo sa opposite sex ang karamihan sa kanilang mga empleyadong babae kaya binigyan nila ito ng oras para sa lovelife.


Source: South China Morning Post

Post a Comment

0 Comments