Lagot pag walang kita! Dalawang paslit pinaglilimos umano, nanay nakahilata lang





Isang netizen ang nabahala at humingi ng tulong para sa dalawang bata na namamalimos umano sa daan.

Ayon sa post ng isang netizen na si Christian Batiancila, pinaglilimos umano ang dalawang paslit ng sarili nilang ina at kapag umano walang kita ang mga bata sa isang araw ay sinasaktan ang mga ito ng nanay nila.



Sa Facebook post ni Christian, makikita ang batang babae na karga karga ang sanggol na parang ilang buwan pa lang.

Screen-capped image mula sa post ni Christian


At sa isang conversation history na pinost ni Christian, nasabi na habang nanlilimos ang dalawang bata, ang nanay naman ng mga ito ay nakahilata lang umano.

Nanawagan din si Christian na sana ay makarating sa DSWD ang kalagayang ito ng dalawang paslit.

Nakita daw ang dalawang batang ito sa Sucat Highway, sa overpass na malapit sa Julie’s Bakeshop na tawiran malapit sa Padis Point Sucat.

Marami sa nakabasa ng post na ito ang nagalit at nadismaya sa ina ng mga bata at nanawagan n asana ay matulungan sila.

Narito naman ang ilan sa reaction ng mga netizens:


ipaampon mo na lng sa amin ung baby dalhin ko cya sa abroad

Dapat kung sino man na kakita tinulungan nalng.. Pagkakataon na yan e.. Ireport agad.

Gnda gnda at pogi ni baby dami dami d magkbaby ts ung magulang nla hinhhyaan lnh sla sa kalye:(




Post a Comment

0 Comments