Kris Aquino reacts to Nicko Falcis: 'Hindi na ako galit sayo, pero harapin mo naman lahat ng kaso mo'



Photo credit to the owners




Matapos kumalat ang naging pahayag ni Nicko Falcis kaugnay sa naging mga akusasyon ni Kris Aquino sa kanya ay agad namang sumagot ang aktres.

Kamakalawa lang umano ay pinanumpaan ni Nicko ang kanyang Counter-Affidavit na nauna na ding naisumite sa siyudad ng Pasig at Taguig noong December 17, 2018 para sa mga kasong hinain ni Kris laban sa kanya.



Si Nicko ay dating Managing Director ng Kris Conjuanco Aquino Productions (KCAP), na tumayo rin bilang talent agent at endorsement closer ng actress/host/web star sa loob ng halos dalawang taon.

Noong October 12, 2018 nang opisyal na sampahan ni Kris ng 44 counts of Qualified Theft si Nicko dahil sa paggamit nito umano ng KCAP credit card nang walang pahintulot mula sa kanya upang bayaran ang personal expenses nito at umabot ng PHP1.2 million.

Ayon kay Nicko, “false, baseless and malicious” ang mga hinaing kaso ng aktres laban sa kanya.

Sabado ng gabi, January 5, nag-imbita si Kris ng piling mga entertainment press sa kanyang tahanan sa Quezon City para sa kanyang Instagram Live session katabi ang kanyang mga abogado.



Dito inihayag ni Kris ang kanyang mensahe para kay Nicko at ang kalagayan ng kanya kalusugan.

Ayon sa kanya, ang pagpapahayag ng kanyang karamdaman ay maaring magdulot ng pagkawala ng limang endorsements sa kanya.

“But I wanna tell the truth,”

“We had been so careful about what would be revealed… maraming mga warrants po iyan kasi guaranteed yung mga kontrata ng mga endorsements.”

“Isa dun sa mga warrant na yun is a health warrant.”

“I did not lie because at that time those contracts were signed, I did not know the extent of what I have.

"This is the truth."

Sa kanyang IG Live, sinabi din ng aktres na siya ay nagtataglay ng isang uri ng lupus, maliban pa sa chronic spontaneous urticaria, na isang skin condition na nagdudulot ng matinding allergy.

Ayon kay Kris, mayroon din siyang fibromyalgia, isang long-term condition na nagdudulot ng sakit sa buong katawan.

Sabi niya, kailangan niyang itago ang mga ito upang makapag ipon para sa mga anak niya, na lalo pa na ang kanyang panganay na si Josh ay “special child and he needs that for the rest of his life.”

“Sobrang laking risk ang ginawa ko ngayon na umamin sa mga sakit kung anong meron ako dahil may limang kontrata na ready na for a signature and they can all back out.
“But I have to do this.

“I’m doing this because it’s not the money.

“It’s my credibility, and I want my sons to be able to say they were proud of their mother.”

Nilinaw rin ni Kris na hindi siya humihingi ng simpatiya sa kabila ng paglalahad ng kanyang mga karamdaman.

“Hindi ako humihingi ng awa sa inyo, because God has been really good to me.

“Every single dream I had from the time I was two years old, ibinigay Niya.

“Pero nanay ako, e, I just want to be alive for the two [sons].

“I even said kunin na lahat ito, bigay lang ako sa kanila.”

At ayon sa kanya, “At yun siguro ang hindi maintindihan ni Nicko.”

“Alam kong may masasakit akong nasabi sa kanya, pero sobrang sakit na alam mo hindi ka sigurado ilang araw, ilang taon, kung ilang buwan ang ibibigay sa ‘yo na magiging nanay ka pa.

“You can hate me for everything, but those two boys love me unconditionally and I would do everything just to reassure them na lahat gagawin ni Kris Aquino para si Josh at si Bimby, may nanay.”


Ang ang mensahe ni Kris kay Nicko…

“Hindi na ako galit sa ‘yo, Nicko, pero harapin mo naman lahat ng kaso mo. Yun lang.

“I did not lie. I don’t want to die being accused as a liar.”


Source: PEPph












Post a Comment

0 Comments