Jesus Falcis tinawag na 'boba' at 'tanga sa business' si Kris Aquino

Jesus Falcis, Nicko Falcis and Kris Aqiuno / composite photo from Google (ctto)




Patuloy ang batuhan ng mga alegasyon ng mag kabilang panig na kampo nina Kris Aquino at Nicko Falcis kasama ang kapatid nito na si Atty. Jesus “Jess” Falcis patungkol sa kasong Theft na sinampa ni Kris laban sa kanyang dating business partner na si Nicko.

Sa isang Instagram post naman ni Atty. Jess ay muli niyang binigyang diin na hindi umano ninakawan ng kanyang kapatid ang Queen of All Media tulad ng bintang nito.



Nagpost ang nakababatang kapatid ni Nicko ng larawan mula sa Philippine Daily Inquirer na nagpapaliwanag kung saan nga ba napunta ang 40 million pesos ni Kris na sinasabing  ninakaw umano ni Nicko.

Tinawag din ng abogado si Kris na ‘boba’ at ‘hindi marunong mag negosyo.’

“Ui boba, ikaw na ang umamin at ang lawyers mo na intact yung 40million pesos mo. Thai partners validate your shares kamo di ba? Eh kulang pa nga yung binayad, incomplete purchase mo. Hindi trustee ang Kuya ko kung hindi seller. Ang tanga mo talaga sa business!” ayon sa Instagram post ni Atty. Jess



“At kakasuhan ka namin talaga.” Dagdag nito





Source: Jesus Falcis



Post a Comment

0 Comments