Nag-iisang estudyante na pumasok sa klase matapos ang Christmas break, binigyan ni sir ng extra points

Larawang pinadala ng Youscooper sa GMA News (ctto)



Trending ngayon ang isang Youscooper ng GMA News  na si Chito Grullo na isa palang guro sa Binalonan, Pangasinan.

Ayon sa post, nagulat at natawa na lamang si sir dahil iisang estudyante lang daw ang pumasok sa kanyang klase ngayong araw na kung saan dapat balik-eskwela na matapos ang bakasyon.



Ayon dito, marahil ay sa lunes pa magsisipasok ang iba pa para masulit mahabang pahinga.

At dahil masipag at nag effort ang nag iisang pumasok ngayong araw ay bibigyan na lamang daw umano ni sir Chito ng extra points ang bata.


At mensahe ng guro sa kaniyang mga estudyante na hindi nagsipasok ngayon, i-enjoy na umano nila ang bakasyon dahil ika nga ay "back to reality" na talaga sa Lunes.


Screen-capped image from GMA News



Source: GMA News

Post a Comment

0 Comments