Former BIR commissioner finally reacts to Gretchen: 'her accusations is straight out of a comedy script'



Compiled photo of Kim Henares, Kris Aquino and Gretchen Barreto from Google (ctto)


Dinedma ni former Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang akusa sa kaniya ni Gretchen Barreto na di umano’y pag ayos niya ng tax problem ng kaibigan ni presidential daughter Kris Aquino na si Alice Eduardo, isang negosyante.

January 18 nang mag Instagram Live si Gretchen kung saan ay binunyag niya ang pamamagitan daw ni Kris upang pababain ang babayarang tax ni Alice sa pamamagitang ni Henares, na itinalaga ni Aquino na BIR commissioner noong nasa katungkulan pa ito.



Si Alice ay isang kilalang negosyante na nagmamay-ari ng malaking kumpanya at marami umano itong kilalang broadcast at showbiz personalities.

Nagbigay naman ng reaksyon si Henares noong January 25, kung saan sinabi niya na parang “comedy script” ang bintang ni Gretchen sa kanya.

"The allegations of Ms. Baretto [sic] that people can come to me and fix their tax problem without paying the right amount is straight out of a comedy script.” Ayon kay Henares

"It is a well-known fact that not even my own family enjoyed any preferential service or treatment, much to their disappointment.” Dagdag nito

Pinayuhan din niya si Gretchen na mag dahan dahan sa kaniyang mga sinasabi.


"I strongly suggest that Ms. Baretto [sic] apply more restraint and thoughtfulness in her statements." 

Source: PEPph






Post a Comment

0 Comments