DFA sasagutin ang gastusin upang maibalik ang pinoy couple na nalunod sa Maldives

Ang mag-asawang sina Erika, 29, and Leomer Lagradilla, 30, na nalunod sa Maldives sa kanilang honeymoon / larawan mula sa Philstar




Hindi na umano itutuloy ng mga kaanak at kaibigan ng newlywed na honeymooners na nalunod sa Maldives ang kanilang fundraising dahil nangako na ang Department of Foreign Affairs (DFA) na sasagutin lahat ang mga gagastusin sa repatriation ng mga labi.

Ang honeymoon ng bagong kasal na sina Leomer at Erika Lagradilla ay nauwi sa isang trahedya matapos silang malunod habang nag-snorkeling sa isang resort sa Dhiffushi Island.



Ayon sa mga ulat, nakipag meeting umano ang pamilya ng mag asawa sa DFA na nangakong sasagutin na umano ng ahensya ang gagastusin para maiuwi ang mga bangkay ng mag asawa.

Bago ito, nagsimula mangalap ng pondo ang pamilya at mga kaibigan ng dalawa online dahil kailangang mabuo ang perang kakailanganin na nagkakahalaga ng P634,000 kada labi upang maiuwi sila.

Nagpasalamat naman ang pamilya sa mga nagbigay ng tulong at willing din sila ibalik ang mga donations sapagkat sasagutin na nga ng DFA ang gastos.


Hindi pa rin malinaw ang ibang mga detalye ukol sa pagkakalunod nina Leomer at Erika dahil hindi pa rin umano kinokontak ang pamilya ng mag-asawa ng hotel na tinuluyan ng mga ito sa Maldives.



Source: Abante, Philstar


Post a Comment

0 Comments