68-anyos, nagmahal at nag tiwala, pero pera at alahas niya dinala ng boyfriend sa ibang babae

Image from Raffy Tulfo in Action video 



Humingi ng tulong si Percy Torres, 68, sa programang Raffy Tulfo in Action upang ireklamo ang boyfriend niyang si Herman Mayo, 55, na di umano’y nanloko sa kanya.

Ayon sa video ng programa, si Hernan at Percy ay limang taon ding nagsama.



Sumbong ni Percy kay idol Raffy, binigyan daw niya ng pambili ng dump truck si Hernan ngunit ilang taon na nakalipas wala siyang nakitang dump truck o kahit resibo man lang na may binili ito.

Maliban dyan, kinuha din umano ng kanyang boyfriend ang kanyang mga alahas, na kung i-total lahat, mahigit kumulang mga kalahating milyon ang nakuhang halaga sa kanya.

Nang makontak ni idol Raffy si Hernan, ayon dito, mag uusap nalang daw silang dalawa ni Percy.

Napaiyak sa sobrang sama ng loob si Percy dahil ang pera daw na binibigay niya kay Hernan ay sa ibang babae nito dinadala buti sana daw kung sa pamilya ginagamit.

“Tinanggap kita, binihisan kita pinakain kita, tapos ginanyan ganyan mo lang ako. Binaboy mo ako” Himutok ni Percy kay Hernan

Ayon kay Raffy, maaring sampahan si Hernan ng kasong qualified theft.



Nagmakaawa naman kay Percy si Hernan na patawarin siya sa nagawa at di na mauulit umano.






Post a Comment

0 Comments