Pera o Kahon? Netizens namangha nang buksan ng ina ang 'mystery gift' ng anak para sa kanya







Sobrang nag trending ang video ngayon na inupload ng netizen na si Rotski Bautista at marami rin ang naloka rito.

Ayon kay Rotski, ang nais nya ay mapasaya ang ina ngayong Pasko kaya naman ay kanya itong sinurpresa ng regalo.



Pero bago niya tuluyang pabuksan ang naturang ‘msytery gift’ na naka kahon, pina pili muna niya ang ina kung “Pera” or “Kahon.”

Noon una, nag labas si Rotski ng 5,000 at pinili ng ina ang kahon
.
Tinaasan niya ito at ginawang 10,000, medyo natagalan sa pag iisip, pero pinili pa din ng kanyang mommy ang kahon.

Umabot sa 15,000 ang stake at medyo nahirapan na talaga mamili si mommy at nanghihinayang nga sa pera ngunit pinandigan pa rin niya na kahon ang piliin.

Sa kanyang pag bukas ng regalo ng anak ay talaga namang halos magtatalon ito sa tuwa at nahalikan pa ang anak dahil ang piniling kahon ay naglalaman pala ng bundle bundle na tag iisang libo!


Talaga namang maka laglag panga ang sorpresang ito ni Rotski sa kanyang mommy dear.











Post a Comment

0 Comments