Ogie Diaz binigay ang mga kadahilanan kung bakit humina ang MMFF ngayong taon



Larawan mula sa Google at Facebook post ni Ogie Diaz




Kapansin pansin nga naman ang pag hina ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayon taon. Hindi rin ito naging bukam-bibig ng mga tao at hindi naging matunog tulad noong nakaraang taon.

Ngunit bakit nga ba nangyayari ito? Ano ang mga factors na nakaapekto sa naging performance ng MMFF?



Nagbigay ang actor-comedian na si Ogie Diaz ng mga kadahilanan kung bakit umano hindi tumabo ang MMFF ngayon.

Ayon sa kanyang Facebook post, humina ang mga local films dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

1. Nag-increase na naman ang sine. Sa probinsiya, P110 hanggang P130 (me libre pang popcorn); sa MM, P260-320. Pwera pa yung sa VIP cinemas na may popcorn, P400.

2. Pagsulpot ng mga netflix, iflix, iwant, hooq. So ba’t ka pa lalabas ng bahay para sagupain ang traffic? Di lang pampanood ng sine ang kailangan mo. Pati pamasahe, kakain ka pa sa mall bago o after manood.

3. Nandiyan na rin ang iwant ng abs-cbn na yung mga original serye at shows ay napapanood na rin dito.

4. Katwiran na rin ng iba, “Ba’t pa kami manonood ng sine eh dalawa o tatlong buwan lang ang palipasin mo, nasa KBO na basta may tv plus ka lang?”

5. Dahil sa mahal ng sine, swerte na yung dalawang movies ang mapanood ng isang tao every filmfest.

4. Eto pa. Imbes na manganak ang bilang ng mga manonood, dalang-dala na na yung iba, dahil yung P300, yung panahon at effort nila, sa walang kwentang pelikula lang mapupunta, kaya hahanap na lang sila ng ibang mapaglilibangan.

At bilang isang taga showbiz industry, nagbigay si Ogie ng panukala o suggestion para sa pamunuan ng MMFF na maaring makatulong na maipromote ang mga pelikulang Pilipino.

“Bakit di nyo ibenta ang festival pass sa murang halaga? Tulad sa Metro Manila, NCR, ibenta nyo sa halagang P1,500 ang isang booklet na makakapasok sa walong entries ang isang bibili. Ayon sa kanya

“Parang yung early booking kung lilipad ka. The earlier you book, the cheaper the price of the airfare. Pero kung bukas ka na lilipad, mahal na yung ticket.” Dagdag pa ni Ogie

Win-win solution umano ito sa pagitan ng moviegoer at ng producer. 



Nanawagan rin si Ogie na huwag nang makipag tikisan ang mga movie theater owners para lahat naman ay makinabang.

“Sa ganitong scheme, ine-encourage natin na panoorin ng isang moviegoer ang lahat ng nasa booklet. Or ipamigay niya yung ibang coupons kung di niya type ang panonoorin. Ayon pa sa actor

“Whether di ginamit yung ibang coupon sa booklet, otomatik na pantay-pantay pa rin ang share ng walong pelikula.” Dagdag nito


Source: Ogie Diaz

Post a Comment

0 Comments