Halos 60, 000 katao ang dumagsa sa bahay ni Pangulo Duterte para sa pamaskong handog




Libo libo ang dumagsa sa bahay ng pangulo sa Davao City para mamasko / Larawan mula sa YouTube video


Dalawang araw matapos ang tradisyunal na pagpunta ni Pangulong Duterte sa mga batang cancer patients sa Davao ay namigay naman ito ng pamaskong handog sa mga taga Davao City.

Ayon sa ulat, nasa halos 60, 000 katao ang pumila sa labas ng ancestral house ng pangulo upang tumanggap ng pamasko.


Umabot pa umano sa halos dalawang kilometro ang pila sa labas ng bahay ng pangulo.

Samantala, ang ibang mga residente ay nagsimula na pumila gabi pa lamang at naghintay ng mga 11 oras para sa aguinaldo.

Ayon sa report ng KAMI, ang mga pumila ay nakatanggap g grocery, food packs, gift check, at perang pamasko.

May mga pumila rin na senior citizens, ang ilan pa ay hinimatay dahil na rin marahil sa gutom.

Dahil hindi inaasahan ang dagsa ng tao, umabot sa 100 na pulis ang dinagdang upang bantayan ang seguridad ng pangulo.

Taon-taon na umanong ginagawa ng pangulo ang "gift giving" kahit noon siya ay mayor pa lang.

Dahil dito, walang tigil sa pasasalamat ang mga taong natulungan ng pangulo.

Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments