Dahil sandamakmak ang basura: 300, 000 "illegal settlers" sa Manila Bay balak ipa-relocate ng DENR

Informal settlers in Manila area --- photo via UNTV




Gustong ipa-relocate ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang halos aabot sa 300, 000 na “illegal settlers” o squatters sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon na gagawin para dito.

"Slowly siguro kasi (ang) capability naman natin to resettle ay talagang limited lang eh," Ayon sa payahag ni Cimatu kahapon, Martes.



Nagbigay ang Environment secretary ng dalawang linggong palugit sa Manila Bay Coordinating Committee upang bumuo ng plano at masimulan ang pagsasa-ayos ng dating sikat na Manila Bay.

Ang mga basura ay inaanod a Baywalk at Roxas Boulevard mula sa Manila Bay lalo na kapag sobrang lakas ng ulan at dahil ditto, lalong nagbabaha sa Kamaynilaan.

Bukod sa sandamakmak na basura ay mataas din umano ang fecal coli form level ng Manila Bay o mataas ang antas ng bakterya sa tubig nito.

Maari umano itong maging sanhi ng skin irritation o pangangati ng balat at diarrhea o pagtatae, ayon pa sa Health Undersecretary na si Eric Domingo.

Mino-monitor din ng ahensya ng DENR ang mga establishments na pinaghihinalaang nagtatapon ng waste water o maduming tubig sa Manila Bay.

"'Yong establishments na nandiyan mismo sa tubig ay talagang ipapasara 'yon, ire-recommend ko talaga," ayon pa kay DENR secretary Cimatu.


Source: ABS CBN


Post a Comment

0 Comments