Presyo ng mga pangunahing bilihin, bababa na / larawan mula sa Philippine Star |
Manila, Philippines – Simula ngayon buwan ay mararamdaman na
ng mga mamimili o consumer ang epekto ng ginagawang hakbang ng pamahalaan upang
pababain ang presyo ng mga panunahing bilihin, ang magandang balitang ito ay
ayon sa economic manager.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia nitong
Linggo, ang mga epekto ng pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo
Duterte sa non-tariff barriers sa importasyon ng bigas at iba pang produktong
pagkain ay mararamdaman na ngayong Nobyembre.
“Maramdaman talaga ito siguro sa November, December at saka
definitely sa 2019,” ayon kay Pernia
Maliban sa balitang ito, sinabi rin ni Pernia na inaasahan
ding bumaba ang inflation rate sa target range ng gobyerno na 2 hanggang 4% sa
susunod na taon.
Dala ng paparating na anihan at inaangkat na bigas at iba
pang produktong pagkain, dapat lamang na bumaba ang presyo ng mga pangunahing
bilihin, ayon sa economic manager.
Sunod sunod rin ang naging pag baba ng presyo ng petrolyo
bunsod ng pagbaba ng world oil price na sa ngayon ay may average nang $63
hanggang $65 per barrel, ayon pa kay Pernia.
Samantala, sinabi rin ng Department of Finance na ang
month-on-month inflation para sa Oktubre ay bumaba ng 0.05 percent mula sa 0.8
percent noong nakaraang buwan.
Source: Remate
0 Comments